ESTD: The Fabulous Baker Boy

Pulbbang stall in Insadong
Pulbbang rolling store in Insadong

Breakfast for me is usually bread and coffee. Nothing beats hot pan de sal which I think goes well with just about any spread: cream cheese, jam, peanut butter, and liver spread. Have you tried condensed milk on pan de sal? Yummy! I also like pan de sal with instant pansit canton. Whenever we wake up late and there are no pan de sal left in the neighborhood bakery, I make do with monay.

I did not find any pan de sal in Seoul. Instead, Angela and I had pulbbang–homemade bread that comes in different shapes, sizes, and filling. We like the small, round ones sold in a stall in Insadong, the place in Seoul to come for gifts or souvenirs. We also like the flat, bigger ones sold by the ajusshi across the Princeton Review Center in Anguk. And we just had to try the fish-shaped ones with red bean filling.

Advertisements

10 thoughts on “ESTD: The Fabulous Baker Boy

  1. pandesal at gatas na kondensada! panalo ‘to. pandesal at mantekilya o dairycream, tapos sawsaw sa mainit na kape, winner din. tapos yung kape mo, may manti-mantika siyempre, pero hihigupin mo pa rin di ba? 🙂 pag walang palaman, pandesal at daliri. sarap! iiipit mo yung hintuturo mo (o kahit anong daliri) sa pandesal at pagkagat mo sa pandesal, siyempre huhugutin mo nang mabilis pero suwabe yung daliri (swoosh) sa pandesal kung hindi aba e tiyak hindi na masarap yun. pandesal at daliri: isipin mo na lang, may palaman!

  2. Hindi ko nakagawian ang pagsawsaw ng pandesal sa kape, ayoko kasi ng soggy/sloppy pandesal… ang pinakapanalo para sa akin ay ang mga pandesal na halos kahahango lang sa pugon, tapos bibiyakin mo sa gitna ng mga daliri mo (bread knife ka jan, OA!) hanggang sa magmukhang nginuya na yung pandesal na hawak mo, tapos papahiran mo ng mantekilya, tapos bubudburan mo ng “konteng” asukal.

    Ang pagbudbod ng asukal ay ganire, sasandok ka ng maraming asukal mula sa lalagyan tapos ibubuhos mo ito sa pandesal (dun sa parteng pinahiran mo ng mantekilya) hanggang sa wala ka nang makitang bakas ng mantekilya (kung meron pa, dagdagan mo), tapos itataktak mo ngayon ito sa lalagyan ng asukal para ibalik ang mga butil ng asukal na hindi dumikit sa mantekilya. Syempre, sa pagtaktak mo, may mahuhulog ding mga tustadong butil ng arina sa lalagyan ng asukal, at kung madalas mo itong gawin, balang araw, kung magtitimpla ka ng kape, may makikita ka nang mga mala-alikabok na bagay na lulutang-lutang sa kape mo na hindi natutunaw kahit ano pang halo mo.

    Maalala ko lang, masarap din ang pandesal-con-asukal. 🙂

    Kay sarap gunitain ang panahong tig-P1.50 lang ang pandesal na mas malaki pa sa kamao. At kung bumili ka sa panaderya eh isisilid ng nagtitinda ang mga pandesal sa kulay kapeng supot na pinaiikot muna ng ilang beses bago i-abot sa iyo ang binili mo.

    Maiba lang ng kaunti… masarap din ang pan de coco at ang ensaymada… sa dinami dami ng panaderya, ang Julie’s lang ang may pan de coco at ensaymadang may lasang tulad ng nasa ala-ala ko. Commercial! Hehehe…

  3. hala, oo nga, wala na ngayong supot ng pandesal na kulay kape at iikutin muna nang ilang beses ang dalawang dulo bago iabot sa ‘yo! kaka-miss. sa purbinsiya noon, kay ka sabel kami bumibili ng pandesal, tapos kaklase ko si nea, yung apo n’ya na matangkad na magaling sa chinese garter. tapos nasasarapan ako na idikit sa pisngi ko yung isang supot na pandesal (habang pauwi ako pagkabili), para maramdaman yung init ng pandesal, lalo na kung magpapasko na.(sa baguio, bago kumain sa umaga, itinatapat ko muna yung mukha ko sa umuusok na kanin, hehe, ginawin kasi ako). balik sa pandesal, dibay-dibay rin sa amin noon ang pandesal. tigatlo o tigapat kami ng bunso kong kapatid, sina inay, ate, kuya, tatay, tigigisa o tigalawa lamang. hay, pandesal. masarap din yung iba pang tinapay sa purbinsiya gaya ng kalihim, kababayan, pinagong, paborita, at marami pang iba na wala o bihira ko nang makita ngayon. senti hehe pakshet

  4. Hahahaha! Wala akong kilala sa mga nabanggit mong mga uri ng tinapay! Basta, bukod sa pandesal, ensaymada, at pan de coco eh monay at putok lang ang mga naaalala ko. Marahil yun lang ang mga binibili namin sa panaderya na nasa kabilang kanto lang ng aming tirahan… naaalala ko rin ang usong usapin tungkol sa panadero at ang kanyang mga masasarap na tinapay (kung bakit napakasarap ng mga ito… pagod, pawis, libag, uhog, at sipon… yan daw ang pinaka mahahalagang sangkap)! Ang sarap sarap, noh? Kaya siguro hindi na ganon kasarap ang mga tinapay ngayon dahil masyado na tayong malinis (o nagmamalinis) dahil takot na tayo sa kung anu-anong mga bagay na sinasabi ng siyensyang makakapagdulot sa atin ng kung anu-anong sakit. Dati kayang kaya nating uminom ng tubig na galing sa gripo, ngayon asa ka pa! Sabi pa nga ng isang doktorang napanood ko sa telebisyon ilang buwan na ang nakalipas: “may tae po ang tubig na lumalabas sa ating mga gripo! Hindi ko kayo tinatakot, gusto ko lang na maging aware kayo! Dapat tayong mag-ingat lalo na pag dating sa mga bagay na ipinapasok natin sa ating katawan!” (Sino kayang hindi matatakot dun?! Para bagang may nagsabi sa iyong may multo sa likuran mo, sabay sasabihan kang hindi ka niya tinatakot!)

    Dati tuwang tuwa tayo sa iskrambol, ngayon iniisip mo kung saan-saang mga kalsada’t bangketa pinaghihihila at pinagpapadulas ang mga yelong ginamit sa pag-gawa neto at kikilabutan ka pa sa mga naisip mo. Darating kaya ang panahong pati hangin ay bibilhin na natin? Teka, napapalayo na yata ako… kailangan ko na yatang matulog… teka, kailangan ko na yatang palitan ang punda ng kama’t unan ko… baka punong puno na ng bakterya ang mga yun… paalam!

  5. Mga Fabulous Pan De Sal Boys, Burayan-kun at Ayeru-kun: Nag-uumapaw ang damdamin ninyo dahil sa mga alaalang hatid ng pan de sal 🙂

  6. Naku ashte, kakaunti pa yan… pag pumasok na sa usapan ang Tarzan bubble gum at Bazooka joe… ang Butterball at ang Tootsie Roll… kay daming mga alaala… pero, ipagpapaliban ko muna ang pagsulat ng mahaba dahil… MALELATE NA AKO SA TRABAHO!

  7. paborito ko pandesal at menudo, pandesal at corned beef o pandesal at longganisa… halata bang mahilig ako sa karne?

    may pandesal din naman sa seoul… morning roll tawag nila 😉

  8. Morning roll to go with good morning coffee! (May good morning coffee at good afternoon coffee sa Tous Les Jours hehehe) I should have asked before 🙂

  9. Hmmm… that’s interesting… so it turns out that “pan de sal” exists not only in the Philippines but also in Seoul… can it be found anywhere else in Korea? By the way, I love the phrase “Soul of Asia”, hats off to whoever came up with it. I wonder where else our beloved “pan de sal” can be found (actually, I’m more of “asking” than “wondering”).

    Pandesal is described (or defined) on Wikipedia as:

    “Pandesal (Spanish: pan de sal, literally “salt bread”) is a rounded bread usually eaten by Filipinos during breakfast.[1]. It is a bread made of flour, eggs, lard, yeast, sugar, and salt. It has a soft, powdery texture and is eaten in a number of ways combined with numerous sandwich spreads. It is also used for dipping into tsokolate (from Spanish chocolate), a Spanish chocolate drink very much like hot chocolate but with pure cocoa as its main ingredient. Despite the literal meaning of its name, the taste of pandesal varies from bland to slightly sweet.”

    Let’s see if this works… just to give others an idea of what a pandesal looks like… hmmm… open bracket… img… src… been a long time since I last HTMLed…

    Pardon me if that didn’t work… I was trying to insert this image here… if it does work, then, woopteedoo!

    So, has anyone seen this bread elsewhere (other than the Philippines and Seoul)? hehehe… hmmm… am I hope I’m not appearing to be taking over this blog… 😛

  10. Uy, nakabili ako ng pan de sal na ang supot ay yung kulay kape, at iniikot muna bago iabot. Pero nagulat ako kasi, 12 piraso lang ang Php30 😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s